Kung meron akong iba't ibang uri ng housemates, dapat meron din akong version ng iba't ibang uri ng officemates. Ito ay pawang opinion ko lang, ang mag-react - guilty! I've worked in 9 different companies local and overseas, kaya kung may tatamaan e di sigurado na kayo yun hahah (pero kung feel nyo e, di kayo yun).. halo to both pinoy and foreigners, in alphabetical order..
Adonis - walang kasing charming sa balat ng lupa, lahat ng babae ay napapasagot nya, head turner. di nag e-exist sa kanya ang salitang "dugyot", parang bagong ligo lagiAla-call center agent - akala ko e nasa call center ako, napaka-coño.. nose bleed pare!
Astig - ipaglalaban at ba-back up ka hangga't kaya nya. kudos! kaya kahit 8 years ago pa kami magkatrabaho e open pa rin ang communication namin
Atribida - eto ang klase ng tao na willing mag volunteer ng info or mag suggest kahit na mapapasama sa iba, usually ang ganitong klase ng tao ay mga inggetero at inggetera o di naman kaya ay malaki ang insecurities sa katawan.
Banal na Aso - magkasama at active sa church, ninakawan si bestfriend. si magnanakaw, nagturo - yung kasama ko sa kwarto. katapus-tapusan nabuking din naman na sya ang magnanakaw.
Chameleon - eto ang pinakamalupit sa lahat, the word is self explanatory. nagpapalit-kulay at anyo minsan tao minsan biik har har!
Cristy Fermin / Boy Abunda - pag hiningan mo ng supporting documents about sinasabi, wala naman maibigay. facts lang po please, walang fallacy. kaya di umaasenso ang pinoy e, narinig lang sa palengke ang chismis, kalat na agad sa buong mundo. wish ko lang ay ma-meet nya si benefit of the doubt bago magbigay ng mga information, matagal na naimbento ang internet haler.
For better or for worse??? - magaling lang ito kapag ang tao ay employed pa, magkumpare ang turingan pero nung nawalan ng trabaho si friend biglang mennos na ang trust.. pag pera na talaga ang usapan, nakakasira na talaga ng samahan.Isolation mode - may sariling mundo ito, wag mo syang papakelaman at di ka nya papakelaman. pakealaman mo sya, maso-soplak ka lang. somehow, mas gusto ko pang ganitong klase ng tao kesa sa mga Cristy Fermin / Boy Abunda.
Madam Claudia - palibhasa bago ka sa trabaho at ang mga nadatnan mo ay dun na inugatan, brace yourself dahil ikaw ay subject para apihin heheh. mabubulyawan ka, pagmumukhain kang tanga, kahit tama ka eh mali ka pa rin.Mahal - walang kasing-liit at tinis ng boses parang dwende, nangingibabaw lagi ang boses at labas lahat ng litid sa leeg na kala mo nasa kabilang departamento ang kausap pero nasa telepono lang pala.
Natural born asshole - loko ka e di repatriated (deported) ka kahit 3 buwan ka pa lang sa trabaho! natural na mayabang, malaki ang ulo, kala nya kaya nya lahat.. sorry sya nakahanap sya ng katapat at wala akong sinasantoay sus my gulay, i just figured out napakaraming attitude problems ng mga tao... katakot, contagious ito. for sure madami pa akong na-miss pero yan muna for now.
meron din akong attitude problem, i admit. one of those is wala akong pakialam kung may makaaway ako sa trabaho, boss man kita, colleague or subordinate.
two of my unforgettable kalokohan, take note different companies to heheh!
1. we hated our boss so much. what we did was childish, nilagyan namin ng co-engineers ko ang upuan ng boss namin ng thumb tacks.
2. meron din akong discpilinary action for insubordination.
medyo moderated na nga ako sa pagiging maldita ko, maybe its the age hahah!
Monday, June 29, 2009
Iba't ibang uri ng officemates
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment